Central Office ng DENR nabulabog ng bomb threat

Sa ulat na nakarating sa Bureau of Fire Protection (BFP) natanggap ng isang personnel ng DENR ang umanoy banta mula sa isang Japanese national bandang 8:55 ng umaga.

Nabulabog ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Avenue sa Quezon City lunes ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Bureau of Fire Protection (BFP) natanggap ng isang personnel ng DENR ang umanoy banta mula sa isang Japanese national bandang 8:55 ng umaga.

Mabilis naman rumesponde ang Quezon City Police District (QCPD) at inilikas ang mga empleyado ng kagawaran para imbestigahan at inspeksyunin ang gusali.

Lumabas naman na negatibo at walang nakitang anumang pampasabog sa gusali.

Nagpasya naman ang pamunuan ng DENR na suspindihin na lamang ang pasok sa hapon dahil sa banta.