Cellphones, mga patalim, kumpiskado sa Albay Provincial Jail

Inaksyunan ng Albay Provincial Jail ang mga kontrabando na naipuslit at itinatago ng mga detainee tulad ng cellphone at mga bladed weapon.

Inaksyunan ng Albay Provincial Jail ang mga kontrabando na naipuslit at itinatago ng mga detainee tulad ng cellphone at mga bladed weapon.

Bunsod ito ginawang Greyhound Operations ng mga tauhan ng Albay Provincial Jail kung saan kinasa ang surprise inspection sa dorm ng mga persons deprived of liberty (PDL).

Layunin nito na makumpiska ang mga iligal na kagamitan na naipasok ng mga preso sa kanilang piitan.

Ilan sa mga nakumpiska ay mga improvised na patalim, cellphone, foil na ginagamit sa iligal na droga, at mga gambling item.

Para maiwasan ang pagpupuslit ng mga kontrabando ay sinuspende muna ng Albay Provincial Jail ang pagbisita ng mga kamag-anak sa mga detainee.

Inaalis na rin sa pwesto ang mga tauhan na sangkot sa pagpuslit ng mga iligal na kagamitan sa naturang piitan.