Cebu Gov. Gwen Garcia bumaliktad na sa PDP

Opisyal nang bumitaw bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Cebu Governor Gwen Garcia nitong Martes, May 28.

Opisyal nang bumitaw bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Cebu Governor Gwen Garcia nitong Martes, May 28.

Ayon kay Garcia, nag-ugat ang desisyon ng pag-resign ng gobernadora mula political party kasunod ng petisyong suspensyon na inihain laban sa kanya ni suspended Cebu City Mayor Michael Rama.

“The complaint, stemming from my efforts to safeguard the Cebu Provincial Capitol’s cultural heritage through a duly issued memorandum, questions my judgment and integrity,” aniya.

Dagdag ni Garcia, pinag-isipan niyang mabuti ang naging desisyon at naghanap ng mga dahilan para panatili ngunit walang nakita.

Naghain ng reklamo si Rama kay Garcia nitong May 20, sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin si Garcia dahil sa umano’y pang-aabuso nito sa kapangyarihan, pang-aapi at “grave misconduct.”

Minsan na ring pinamunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang PDP-Laban.