Cebu bloc, Bohol solons, suportado ang liderato ni House Speaker Martin Romualdez

Naninindigan ang mga mambabatas sa liderato ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara, kung saan isinusulong nito ang mga polisiyang nag-aangat sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Nagpahayag ng suporta at pasasalamat ang mga mambabatas ng Cebu at Bohol sa liderato ni Speaker Martin Romualdez.

Sa isang pahayag, sinabi ng Cebu bloc at Bohol lawmakers na naninindigan sila sa liderato ni Romualdez sa Kamara, kung saan isinusulong nito ang mga polisiyang nag-aangat sa kapakanan ng bawat Pilipino.

“We, the Cebu bloc, including representatives from the Province of Bohol, stand firm and united in the House of Representatives under the dynamic and transparent leadership of Speaker Ferdinand Martin Romualdez, towards the upliftment of the lives of the Filipino people,” sinabi ng mga mambabatas.

Pumirma sa pahayag sina Cebu Representatives Rhea Mae Gullas, Edsel Galeos, Pablo John Garcia, Janice Salimbagon, Duke Frasco, Daphne Lagon, at Peter John Calderon; Mandaue City Rep. Emmarie Ouano-Dizon; Lapu-Lapu City Rep. Cynthia Chan; Cebu City Rep. Eduardo Rama; at Ako Bisaya Party List Rep. Sonny Lagon.

Lumagda rin sa pahayag si TUCP Party List Rep. Raymond Democrito Mendoza, na tubong Cebu.

Pumirma rin ang mga kinatawan ng Bohol na sina Representatives Edgar Chatto, Maria Vanessa Aumentado, at Kristine Alexie Tutor.

“Speaker Romualdez steered Congress’s commitment to crafting legislation that champions social justice and economic development, including the Trabaho para sa Bayan Act, the Regional Specialty Centers Act, and the One Town, One Product Act, among others,” sinabi pa ng mga mambabatas.

“Notably, he played a pivotal role in ushering the passage of HB 8980 or the General Appropriations Bill. This budget meticulously aligns with the administration’s Medium Term Fiscal Framework, the 8-point socioeconomic agenda, and the Philippine Development Plan of 2028, ensuring inclusive and sustainable economic transformation,” ayon pa sa kanila.

Marami ring isinulong na mga panukalang batas para sa kapakanan ng Cebu at Bohol, sinabi ng mga mambabatas.

“The Cebu bloc and Bohol representatives extend our heartfelt gratitude and reaffirm our support for Speaker Romualdez for his exemplary leadership and dedication in advancing the nation’s legislation, programs, and projects, and promoting the welfare of every Filipino,” ayon sa grupo.