Ceasefire muna para malikas ang sibilyan! PH Embassy sa Jordan, nakausap na ang 86 sa 136 na Pilipinong nananatili sa Gaza

Pinangangambahan ang ground offensive ng mga Pilipinong naninirahan sa Gaza dahil baka madamay ang mga sibilyan sa palitan ng putok at pagsugod ng mga miyembro ng Israel Defense Force at militanteng Hamas.

Nakipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Jordan sa 86 sa 136 na Pilipinong nananatili sa Gaza simula noong Linggo ng umaga, Oktubre 29, matapos putulin ang linya ng komunikasyon at internet sa lugar.

Ayon sa embahada, sinusubukan pa rin nilang makapanayam ang natitirang 50 Pilipino.

Kasama sa 86 Pilipino na nakausap ng mga tauhan ng embahada ang isang madre na nag-aalaga sa 800 Palestinian na sumisilong sa kanilang simbahan.

Pinangangambahan na magsisimula na ang ground invasion ng mga tropa ng Israel matapos putulin ang linya ng komunikasyon sa Gaza City.

Sinabi ng mga nakapanayam na Pilipino sa Gaza na natatakot sila sa pagsimula ng ground invasion dahil maaaring hindi madamay ang mga sibilyan sa paglusob at pakikipagpalitan ng putok sa pagitan ng Israel Defense Force at militanteng Hamas.