CBCP, itinangging sumapi sa NTF-ELCAC bilang kinatawan ng pribadong sektor

Nilinaw ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isang sanga lamang nito ang makikibahagi sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at hindi ang buong kumperensiya ng obispo.

Nilinaw ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na isang sanga lamang nito ang makikibahagi sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at hindi ang buong kumperensiya ng obispo.

Sa isang pahayag, iginiit ng CBCP na tanging ang kanilang Episcopal Commission on Public Affairs ang kinumbida ng NTF-ELCAC na sumapi bilang private sector representative.

“The CBCP is a big network. It has 31 Commissions, Committees and Offices, which are involved in various ministries, areas of pastoral work and social advocacies. One of them, the Episcopal Commission on Public Affairs … has the specific task of engaging government on many levels of dialogue over important issues,” ani CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa isang pahayag.

“The said Commission clarifies that they are engaging with the NTF-ELCAC precisely to address some Church issues vis-a-vis government, including the issue about the red tagging of some cause-oriented groups and Church organizations by the said body,” dagdag pa ni David.

Umani ng batikos ang CBCP, ang samahan ng mga obispo ng Simbahang Katolika, matapos iulat Biyernes ng umaga na sumapi ito sa NTF-ELCAC.

Paliwanag ni David na bilang kinatawan ng pribadong sektor sa NTF-ELCAC, magkakaroon ng pagkakataon ang komisyon na makipagdayalogo sa pamunuan ng task force, at ihayag ang mga suliranin nito sa kanila, na bahagi ng kanilang mandato na magsilbing tagapamagitan ng simbahan sa pribado at pampublikong sektor.

Nakikita rin ni David ang pagkakataon para sa komisyon na isulong ang iba’t ibang mga usapin at isyung panlipunan sa NTF-ELCAC.

“The commission also has the intention of providing moral-ethical approaches to dealing with the problem of insurgency,” ayon sa pangulo ng CBCP.

Bilang pinuno ng CBCP, inihayag ni David na kanyang dadalhin ang usapin na ito sa CBCP Permanent Council, ang nangangasiwa sa polisiya ng grupo, sa nalalapit na pagpupulong nito.

“We intend to tackle this matter and come up with a concrete resolution on it in our forthcoming meeting of the CBCP’s Permanent Council. Can this Commission engage the said government body in a dialogue without having to join its ExeCom as member — i.e. as private sector representative? We hope to come up with some resolutions on this matter soon,” ayon kay David.