CBCP inihirit paggunita sa ‘Day of Conscience’

Nagpaalala ang Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) sa mga diocese sa bansa na gunitain ang "International Day of Conscience" sa Hunyo 16.

Nagpaalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga diocese sa bansa na gunitain ang “International Day of Conscience” sa Hunyo 16.

Ayon sa circular na inisyu ni CBCP President Pablo Virgilio David, kinikilala ni Pope Francis ang naturang araw kaya’t marapat lamang na obserbahan ito ng mga simbahang Katoliko sa bansa.

Nag-ugat ang “International Day of Conscience” sa desisyon ni Portuguese diplomat Aristides de Sousa Mendes na tulungang makaalis ng France ang mga Hudyo at iba pang indibidwal noong Hunyo 17, 1940. No’ng mga panahon na ‘yun ay nasakop ng pwersa ng Nazi Germany ang France.

“Let us unite in shifting the global conscience towards peace and sustainability. We look forward to your support in making this day a significant moment in our moral and spiritual journey,” saad ni David.

Maging ang United Nations ay ginugunita rin ang International Day of Conscience bagamat ginagawa nila ito tuwing Abril 5. Ngayong taon, itinalaga ang Hunyo 16 bilang petsa ng naturang day of conscience.

“For this year, we stick to the original date, June 16, and our focus is on the grave threat of nuclear weapons, emphasized by Pope Francis and global leaders,” dagdag pa ni David.