Cayetano siniguro transparency sa imbestigasyon sa bagong Senate building

Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano na magiging transparent ang ginagawang factual at independent review sa budget ng New Senate Building sa Taguig.

Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano na magiging transparent ang ginagawang factual at independent review sa budget ng New Senate Building sa Taguig.

Ayon kay Cayetano, chairperson ng Committee on Accounts, patuloy ang ginagawang pagsusuri sa proyekto.

Higit aniyang tinutukan ngayon ang first at second phases ng proyekto habang sinusuri naman ang third phase na nangangailangan ng dagdag na P10 bilyong pondo.

Una nang sinabi ni Senate President Francis Escudero na ititigil na muna ang konstruksyon sa NSB habang ginagawa pa ang review dahil sa mataas na halaga ng gusali.

“Eventually, magkakaroon ng (there will be) face-to-face briefings and question-and-answer para maging klaro lahat ‘yan (to clear all issues),” pahayag NI Cayetano.

Sa ngayon, umuupa ang Senado sa gusali ng Government Service Insurance System sa Pasay City ng P7.8 million kada buwan at umuupa naman sa parking lot ng Social Security System ng P500,000 kada buwan.

Ayon kay Cayetano, patuloy na nagbibigay sa kanya ng briefing ang Department of Public Works and Highways at ang Senate coordinating group, kasama na si Committee on Accounts chairpersons Senator Nancy Binay at dating Senador Panfilo Lacson kaugnay sa nasabing proyekto.

“I gave them additional instructions na gumawa sila ng (to create a) timeline at ibigay nila lahat (and provide all details). That way, we can be transparent to you. At least ma-ibigay namin sa inyo ‘yung (we can provide the public the timeline, inventory, or table of contents,” pahayag ni Cayetano.