Cayetano magsasampa rin ethics complaint vs Binay: Sila ang mukhang guilty!

Maaari ring maghain si Senador Alan Peter Cayetano ng ethics complaint laban kay Senador Nancy Binay dahil sa umano'y "unethical behavior" nito sa pagdinig noong Hulyo 3.

Maaari ring maghain si Senador Alan Peter Cayetano ng ethics complaint laban kay Senador Nancy Binay dahil sa umano’y “unethical behavior” nito sa pagdinig noong Hulyo 3.

Matatandaang nagkainitan ang dalawa ukol sa usaping lumalaking gastos ng bagong gusali ng Senado. Nariyang nag-walkout pa ang Senadora.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Cayetano na tila mas mukha pang guilty si Binay, kahit siya pa ang nagsumite ng reklamo sa ethics panel ng Senado.

“It’s not allowed to disrupt the hearing, especially if you’re not a member. The chairman is talking, yet you want to speak first, even if he already gave you time. And then you’ll walk out in that manner. Even Sen. Miriam did not do that; she notified the chairman,” saad ni Cayetano.

“She knows that nothing will happen with that ethics case. In fact, I can also file an ethics case because what she did was unethical,” dagdag pa nito.

Samantala, sa inihaing reklamo ni Binay, sinabi nito na siniraan siya ni Cayetano matapos nitong gumamit ng mapanira, derogatoryo, at hindi naaangkop na mga salita sa pampublikong pagdinig noong Hulyo 3.