Cavitex toll libre buong July!

Magandang balita sa mga motorista na dumadaan sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

Magandang balita sa mga motorista na dumadaan sa Manila-Cavite Expressway (Cavitex).

Ito ay matapos ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rekomendasyon Philippine Reclamation Authority (PRA) na operator ng Cavitex na suspendihin ang paniningil ng toll fee mula Hulyo 1 hanggang 30.

Ang TRB ang governing body na nangangasiwa sa tollways sa buong bansa.

“Nagpapasalamat tayo sa TRB sa kanilang agarang aksyon sa rekomendasyon na ito ng PRA (We thank the TRB for their prompt action on this recommendation of the PRA),” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Nagpapasalamat din tayo sa MVP Group sa pagsuporta sa panukalang ito (We also thank the MVP Group for supporting this proposal),” dagdag ng Pangulo.