Catriona Gray, Sam Milby may lamat relasyon

Nagsalita na ang talent management agency na may hawak kina Sam Milby at Catriona Gray hinggil sa umano'y hiwalayan ng dalawa.

Nagsalita na ang talent management agency na may hawak kina Sam Milby at Catriona Gray hinggil sa umano’y hiwalayan ng dalawa.

Sa statement ng Cornerstone Entertainment, nilahad nila na totoong may kinakaharap na problema ngayon ang celebrity couple.

Pero nilinaw ng Cornerstone na sinusubukang ayusin nina Sam at Catriona ang kanilang pinagdadaanang pagsubok.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together,” ayon sa talent agency.

Humiling naman ang Cornerstone na bigyang respeto ang privacy ng dalawa nilang artist.


Matatandaan na noong February 2023 ay nag-propose si Sam kay Catriona.

Ngunit nito lang ang kumalat ang haka-haka na hiwalay na ang dalawa, ayon sa vlog ni Ogie Diaz.