Catriona biktima ng body shaming dahil sa scoliosis

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa social media na hindi hadlang ang postura ng isang tao upang makamit ang anumang pangarap sa buhay.

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa social media na hindi hadlang ang postura ng isang tao upang makamit ang anumang pangarap sa buhay.

Dahil sinong mag-aakalang sa galing rumampa at ganda ng tindig, si Catriona pala ay na-diagnose na may scoliosis noong siya ay 12 taong gulang.

“I was diagnosed at the age of 12 – and unfortunately since I had already experienced my growth spurt – it was too late to pursue a brace,” bungad ni Cat sa kanyang Instagram post para sa National Scoliosis Awareness month.

Nakaranas ng insecurity si Queen Cat sa kanyang katawan at paminsan-minsang nakakatanggap ng mga body shaming comments mula sa mga taong nakakapanood ng kanyang pagrampa.

“My condition, most especially during my stint in international pageantry put me on the receiving end of countless body shaming comments because of the ‘unflattering’ angles my body creates,” sabi ni Catriona.

Ipinakita rin niya ang tunay na tindig kapag hindi nakatayo ng diretso, kung saan makikita na nakatabingi sa kanan ang kanyang relax position habang kitang kita rin na hindi pantay ang kanyang balikat sa ‘pag nakatalikod.

Hiling naman ni Catriona na sa mga taong tulad niya na may scoliosis na hindi mawalan ng confidence sa kanilang sarili dahil hindi nito malilimitahan ang kaya nilang gawin sa buhay.

“And I just wanna say – to whoever is reading this – may you have Scoliosis or just a unique body (as I believe everyone has), you are not limited to just a body shape or ideal,” aniya.

“I hope in my story – you can find the encouragement. That despite chronic pain, different shapes and sizes, proportions and angles – that YOU are capable of whatever dream arises in your heart! We’re #BentButNotBroken,” dagdag ni Catriona.

PANOORIN: