‘Castilla Riverfront’, patok na pasyalan dahil sa world-class na disenyo

Maihahalintulad ang disenyo nito sa Merlion Park Waterfront na tanyag sa Singapore, ayon sa tourism officer ng bayan.

SORSOGON – Isa sa bagong atraksyon sa bayan ng Castilla ay ang Castilla Riverfront na matatagpuan sa Barangay Cumadcad.

Nitong taon lamang nang pormal na buksan sa publiko ang naturang pasyalan.

Maaaring mag-picnic, mag-kayak, mag-swimming o kaya naman rentahan ang kanilang floating cottage.

Ayon sa Tourism Officer ng bayan na si Benedicto Fernandez Jr., dating tapunan ng basura ang lugar, dahil sa potensyal na taglay nito para sa tursimo, naisipan nilang i-develop ito.

Ang disenyo ay ginaya sa Merlion Park Waterfront ng Singapore.

Sa ngayon ay 60% pa lamang na tapos ang pasyalan kaya asahan ng mga turista ang pagganda nito sa darating na mga buwan.

Libre ang pamamasyal sa Castilla Water Front, hiling lang ng lokal na pamahalaan na mapanatili ang ganda at kalinisan ng pasyalan.