Cash na lang Dear: Mas nakararaming Pinoy gusto ng cash gift sa Valentine’s Day, ayon sa SWS survey

Nasa 16% ang nagsabi na pera ang nais nilang matanggap sa kanilang mahal sa buhay sa Araw ng mga Puso.

Mas gugustuhin pa rin ng marami na makatanggap ng cash bilang Valentine’s Day Gift, ayon sa resulta ng national survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ginawa ang face-to-face survey sa 1,200 adult respondents sa buong bansa kung saan tanong sa mga ito ay: “What gift do you want to receive from your loved one this coming Valentine’s Day?”

Nasa 16% ang nagsabi na nais nilang matanggap sa kanilang mahal sa buhay sa Araw ng mga Puso ay pera.

Pinaka-maraming babae ang nagsabi na mas gusto nila ang pera na nasa 19% habang 12% lang sa panig ng mga kalalakihan.

Pangalawa naman o nasa 11% ang “love and companionship” habang 10% ang kuntento na sa bulaklak at 9% ang apparel o damit.

Ang top 10 preferred gift ay ang sumusunod :

Money: 16%
Love and companionship: 11%
Flowers: 10%
Apparel: 9%
Any gift from the heart: 5%
Mobile phone: 5%
Watch and jewelry: 5%
Good family relationship: 5%
Food and grocery items: 3%
Chocolates: 3%

Samantala, 58% naman ng mga pinoy ang nagsabing “very happy” ang kanilang love life habang nasa 23% ang umamin na “could be happier” o mas magiging masaya pa at nasa 19% nagsabing walang love life.

Pinaka-mataas na bilang ng nagsabing “very happy” ang kanilang love life ang mga lalaki na umabot ng 76% kumpara sa 67% ng mga kababaihan.

 

pr20240211 vis02
ART 20240211005608 prm