Case closed: Jodi Sta. Maria anulled na kasal kay Pampi Lacson

Matapos ang 13 taong paghihintay ay tuluyan nang na-annul ang kasal ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson.

Matapos ang 13 taong paghihintay ay tuluyan nang na-annul ang kasal ni Jodi Sta. Maria kay Pampi Lacson.

Sa Instagram post ni Jodi, binahagi nito na aprubado na ng Korte Suprema ang annulment nila ni Pampi.

“Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court,” saad ni Jodi.

Ayon kay Jodi, sa wakas ay ‘case closed’ na ang paghihiwalay nila n Pampi.

Aniya pa, hindi naging madali ang proseso para sa kanilang annulment, na kanyang pinaubaya sa Panginoon.

“I cried, prayed, questioned and complained. I made tampo, asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of me,” ayon kay Jodi.

2005 nang ikasal sina Jodi at Pampi. Nagkaroon sila ng isang anak na si Thirdy.

Sa kabila ng paghihiwalay, maayos ang naging co-parenting setup nina Jodi at Pampi, at malapit din ang aktres sa current partner ni Pampi na si Iwa Moto.