Carpio: China kasuhan sa pananakop ng Escoda Shoal!

Giniit ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat kasuhan ang China dahil sa panghihimasok sa Escoda Shoal.

Giniit ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat kasuhan ang China dahil sa panghihimasok sa Escoda Shoal.

Sa panayam ni Caprio sa ANC, sinabi nitong hindi dapat palampasin ng Pilipinas ang ginagawa ng China sa pagsira sa marine environment sa Escoda Shoal.

Ito’y dahil sa pinaghihinalaang may binubuong artificial island ang China sa Escoda.

“The DOJ (Department of Justice) has been preparing a case against China precisely for damage to the marine environment in Escoda Shoal and Rozul Reef,” saad ni Carpio.

“We should file that, to give attention and focus on this illegal island building by China, put this on the world agenda,” aniya pa.

Saad pa ng dating SC Justice, dapat na magpatrolya ang Pilipinas sa Escoda Shoal ng 24 oras para mapigilan ang iligal na aktibidad ng China.

“We have to be there in Escoda Shoal 24 hours a day and send our navy and our coast guard there to patrol regularly and prevent construction by China,” wika ni Carpio.