Carpio: Bagong arbitration case ikasa kontra China!

Muling nagpanukala si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio sa gobyerno na magsumite ng panibagong arbitration case laban China dahil sa patuloy na panghaharas nito sa West Philippine Sea.

Muling nagpanukala si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio sa gobyerno na magsumite ng panibagong arbitration case laban China dahil sa patuloy na panghaharas nito sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio, sinabi umano ni Wu Shicun, presidente ng China’s National Institute for South China Sea Studies, na dapat pigilan ng China ang Pilipinas na maghain ng isa pang arbitration case dahil patunay lamang ito na binubully ng China ang mga kalapit nitong bansa.

Giit ni Carpio, pagkakataon ito upang banatan ang China.

Matatandaan ding nag-protesta ang China sa ginawang hiling ng Pilipinas sa United Nations – Commission on the Limits of the Continental Shelf na i-extend ang nasasakupang lupa nito sa ilalim ng WPS.

Dagdag ni Carpio, kung may bansang tututol sa “extended continental shelf” hindi aaprubahan ang petisyon kaya naman kinakailangan ng bansa na ihain ito sa arbitration.

“So this is our chance to bring China to another arbitration and China will not join the arbitration because China knows it will lose. It will depend on the nine-dash line, which has already been struck down by the arbitral tribunal,” sabi ni Carpio.