Carlos Yulo nakopo bronze sa FIG World Cup

Ibinulsa ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ang bronze medal sa floor exercise event ng FIG Apparatus World Cup sa Baku, Azerbaijan nitong Sabado, March 9.

Ibinulsa ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ang bronze medal sa floor exercise event ng FIG Apparatus World Cup sa Baku, Azerbaijan nitong Sabado, March 9.

Nagtala si Yulo ng iskor na 14.366 upang tumapos sa ikatlong pwesto sa likod ni Yahor Sharamkou ng Belarus (14.933) at Minami Kazuki ng Japan (14.666).

Ang World Cup series ang siyang qualifying tournament para sa 2024 Paris Olympics.

Ang top two sa bawat apparatus ang aabante sa prestihiyosong palaro.

Tangka ni Yulo na makabalik sa Olympics matapos ang impresibo niyang ipinakita sa Tokyo.