Carlo Biado sinargo kampeonato ng World 10-Ball

Ibinulsa ni Filipino billiard artist Carlo Biado ang titulo ng World 10-Ball Championship matapos padapain si Naoyuki Oi ng Japan sa finals nitong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Ibinulsa ni Filipino billiard artist Carlo Biado ang titulo ng World 10-Ball Championship matapos padapain si Naoyuki Oi ng Japan sa finals nitong Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Pinayuko ni Biado si Oi sa best-of-five finals, 3-1, upang iuwi ang P4.2 milyon na premyo.

Ang 40-anyos na cue artist ang nag-iisang Pinoy sa torneo, na nilahukan ng top 64 na manlalaro sa ranking ng World Pool Association.

Tinalo ni Biado sina Justin Sajich, Shane Van Boening and Lin Wu Ku sa elimination round upang makapasok sa quarterfinals. Sa sumunod na round ay pinauwi ni Biado si Ko-Ping Chun ng Taiwan, 3-2, at matapos ito ay kanya namang pinataob si Fedor Gorst ng Russia, 3-1, sa semifinals.

Ito na ang ikalawang world title ni Biado matapos niyang magkampeon sa World 9-Ball Championship noong 2017.