Carlo Aquino ‘di in-invite anak sa kasal kay Charlie Dizon

Nilinaw ni Trina Candaza, ex-partner ni Carlo Aquino, na hindi inimbitahan ng aktor ang kanilang anak na si Mithi para sa kasal nito kay Charlie Dizon.

Nilinaw ni Trina Candaza, ex-partner ni Carlo Aquino, na hindi inimbitahan ng aktor ang kanilang anak na si Mithi para sa kasal nito kay Charlie Dizon.

Sa ‘Showbiz Update’ ni Ogie Diaz, binahagi ng kilalang showbiz insider na hindi umano kinausap si Trina ni Carlo tungkol sa kasal nito.

“Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi. Baka daw yung iba ma-misinterpret na hindi niya pinayagan,” saad ni Ogie.

Hindi umano kumontak si Carlo sa kanyang ex para imbitahan si Mithi para dumalo sa kasal.

Ayon pa kay Ogie, hindi naman daw hahadlang si Trina kung gusto ni Carlo na um-attend sa kasal ang kanilang anak.

“Pero kay Trina kung nagpaaala lang si Carlo bakit naman daw hindi? E, hindi nga nag-reach out sa kanya,” sey ni Ogie.

Naghiwalay sina Carlo at Trina noong 2022 kahit pa engaged na ang dalawa noon pang 2019.

Samantala, kinasal naman si Carlo kay Charlie noon lang June 9.