Carlo Aquino, Charlie Dizon ikinasal na!

Ginulat nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang madla sa kanilang secret wedding nitong Linggo.

Ginulat nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang madla sa kanilang secret wedding nitong Linggo.

Ginanap ang kasal ng dalawang Kapamilya celebrity sa isang private resort sa Silang, Cavite.

Present sa kasal nila ang ilang bigating executive ng ABS-CBN, kasama na si ABS-CBN President Carlo Katigbak, Star Magic Head Laurenti Dyogi, COO for Broadcast Cory Vidanes, at Charo Santos-Concio.

Dumalo rin sa kasal nina Carlo at Charlie sina Senador Bong Revilla at misis nitong si Cong. Lani Mercado.

Bukod pa diyan, invited din sina Belle Mariano, Kaila Estrada, Ketchup Eusebio at Sue Ramirez, na nagsilbing maid of honor.

Kasama rin sa guest sina Loisa Andalio, Alexa Ilacad at Elisse Joson.

Nitong Linggo lang ay binigla nina Carlo at Charlie ang showbiz industry nang mag-post ang aktor ng prenuptial photos nila ng kanyang misis.

“Unti-unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa,” sey ni Carlo sa kanyang post.