Caregiver timbog nang nakawan namayapang amo

Arestado ang isang caregiver sa Sta. Cruz, Maynila matapos nitong tangayin ang mga alahas ng kanyang namayapang amo.

Arestado ang isang caregiver sa Sta. Cruz, Maynila matapos nitong tangayin ang mga alahas ng kanyang namayapang amo.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng P5 milyon ang ninkaw ng 45-anyos na suspek.

Kabilang sa mga ito ang mga gintong bracelet, relo, singsing, at kwintas.

Hindi naman nakalusot sa kamay ng mga awtoridad ang suspek, na napag-alamang may dati nang arrest warrant dahil din sa pagnanakaw.

“May grupo daw sila diumano ng mga yaya at caregiver na pumapasok sa employers pero ang motibo ay pagnakawan ang mga ito sa bandang huli,” pahayag ni NBI-NCR Assistant Regional Director Attorney Joel Tovera.