Cannes nakiramay sa pagpanaw ni Jaclyn Jose

Inalala ng Cannes Film Festival ang naging kontribusyon sa film industry ng pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.

Sa Instagram post ng Cannes, kanilang binalikan ang pagkapanalo ni Jaclyn ng Best Actress award para sa naturang film festival.

“On learning of the death of Filipina actress Jaclyn Jose, the Festival de Cannes remembers her face beaming with emotion when she received the Award for Best Actress in 2016 in Brillante Mendoza’s Ma’Rosa,” ayon sa Cannes.

“As with so many of her roles, she illuminated this beautiful portrait of a woman, embodying it with grace and humanity,” saad pa ng award-giving body.


Si Jaclyn ay gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pinoy at Southeast Asian na nagwaging Best Actress sa Cannes.

Ayon sa kanyang anak na si Andi Eigenmann, siya ay pumanaw noong March 2 dahil sa heart attack.