Canadian national arestado sa pamemeke ng dokumento, estafa sa Pasay

Diretso sa kulungan ang isang babaeng Canadian national na pinaghahanap ng pulisya dahil sa pamemeke nito ng dokumento at sa kasong estafa.

Diretso sa kulungan ang isang babaeng Canadian national na pinaghahanap ng pulisya dahil sa pamemeke nito ng dokumento at sa kasong estafa.

Nadakip ng Pasay City police Substation-9 ang suspek na si alyas “Liza”, pharmacist, sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 bandang alas-2:30 ng madaling araw nitong Biyernes.

Ayon kay Pasay City police chief Col. Mario Mayames, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest dahil sa pamemeke ng dokumento, na inisyu ni Judge Ma. Loudes F. Tolentino ng San Fernando City, Pampanga Municipal Trial Court, Branch 1 noong Setyembre 9, 2014.

Nahaharap din sa kasong estafa ang Canadian, na inisyu ni Judge Maria Amifaith S. Fider-Reyes ng San Fernando City, Pampanga Regional Trial Court (RTC) Branch 42, noong Setyembre 8, 2014.