Camille Villar target palitan TESDA

Nagmungkahi si House Deputy Speaker and Las Piñas City Rep. Camille Villar ng panibagong ahensyang gaganap sa mga umano'y pagkukulang ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nagmungkahi si House Deputy Speaker and Las Piñas City Rep. Camille Villar ng panibagong ahensyang gaganap sa mga umano’y pagkukulang ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay Villar, mahalaga ang “skills development” ng mga manggagawa upang makahanap ng mas magandang oportunidad sa trabaho at magampanan na rin ang mga trabahong ito nang wasto at mabisa.

“We need to make sure that our workers are fully adept at performing their tasks. A skilled workforce would make it easy for government offices and private businesses to properly function. To this end, we need to sustain a talented pool of manpower, which is possible through technical education and skills development,” sabi ni Villar.

Sa ilalim ng House Bill (HB) No. 9903 o ang Department of Technical Education and Skills Development Act, bibigyang prayoridad ng ahensya ang pagpapalakas ng teknikal at vocational na edukasyon at pagsasanay kung saan kasalukuyang nagkukulang ang TESDA.

Kung sakaling maaprubahan at maisabatas, papalitan ng bagong ahensya ang TESDA na itinatag sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7796, o kilala bilang TESDA Act noong August 25, 1994.