Camille Villar, saludo sa mga babaeng sundalo

Saludo si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar sa dedikasyon ng mga babaeng sundalo na gampanan ang kanilang tungkulin na pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.

Saludo si House Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar sa dedikasyon ng mga babaeng sundalo na gampanan ang kanilang tungkulin na pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.

Dumalo si Villar sa opening ceremony ng National Women’s Month celebration ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army. Sa kanyang talumpati, pinuri ni Villar ang pakikipag-sabayan ng mga babae sa propesyong kilala bilang dominado ng mga kalalakihan.

“What makes the achievements of women soldiers more impressive is the pressure they experience as they are immersed in the Armed Forces which has been considered for a long time as an only-male profession. It is not just about individual accomplishments but a reflection on the capabilities of women as a sector,” wika ni Villar.

“Aside from combat duties, women have been invaluable in the security and development sector as well as in peace building activities of the government. They have contributed in making government policies more responsive to issues and concerns of women, thereby strengthening the role of women in nation-building,” dagdag pa ng mambabatas.

Hinikayat din ni Villar ang mga sundalong babae na maging mabuting ehemplo upang marami pang kababaihan ang sumali sa sandatahang lakas.

Ngayong 2024 ay isang malaking karangalan ang natamo ng kababaihan sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kung saan itinalaga si Col. Francel Margareth Padilla bilang kanilang kauna-unahang babaeng tagapagsalita.