Bye-bye sa kandidatong pasaway! Poll watchdog, suportado ang anti-epal drive ng Comelec

Ayon sa poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections, marapat lamang diskwalipikahin ang mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na sangkot sa premature campaigning.

Suportado ng poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente) ang anti-epal drive ng Commission on Elections (Comelec), kung saan kinakasuhan ng ahensiya ang mga kandidatong sangkot sa premature campaigning para barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa katunayan, ayon sa Lente, tama lang na alisin sa list of candidates ang mga mapapatunayang nangangampanya ng maaga.

“It is feasible given the nature of the proceedings as well as the focus of the Comelec to go after these erring candidates,” pahayag ni Lente executive director Ona Caritos said.

Sinang-ayunan naman ito ni National Movement for Free Elections (Namfrel) secretary general Eric Alvia, na nagsabing kakayanin naman ito kung hindi karamihan ang mga kaso.

Sa ngayon ay may 82 disqualification cases nang naka-file laban sa mga kandidatong sangkot sa premature campaigning. Ang campaign period sa BSKE ay magsisimula pa lang sa Oktubre 18.