Bye-bye, pulis kamote! Pulis na nagdulot ng disgrasya sa EDSA busway, sinibak ng PNP

Muling pinaalalahanan ng Department of Transportation ang mga motorista na tanging mga bus na may prangkisa sa EDSA bus carousel at limang pinakamataas na mga opisyal ng gobyerno ang tanging awtorisadong gumamit ng busway.

Sinibak na ng Philippine National Police (PNP) ang pulis na nagmamaneho ng sasakyan na pumasok sa EDSA busway noong Miyerkules ng hapon, Disyembre 27, at nagdulot ng pagka-aksidente ng isang bus sa railing.

Sasailalim rin ang pulis sa imbestigasyon, ayon sa PNP.

“The PNP has initiated a thorough investigation into the incident. In line with this, the police officer involved has been relieved from duty pending investigation,” sinabi ng pamunuan ng PNP sa isang pahayag Huwebes ng gabi, Disyembre 28.

“Prior to this, the police driver has been issued an Ordinance Violation Receipt by the Quezon City Traffic Enforcement Group for reckless driving,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa PNP, hindi nito kukunsintihin ang anumang miyembro ng hanay nito na mapapatunayang sumuway sa mga alituntunin at batas dahil sa umiiral na zero tolerance policy ng pamunuan.

“We place utmost importance on strict adherence to traffic rules and regulations, as well as the responsible utilization of government-issued vehicles,” ayon sa PNP.

Lima ang sugatan nang bumangga ang bus sa railing matapos magtangka itong umiwas sa sasakyan ng pulis na biglang sumulpot na lang sa EDSA busway bandang southbound direction ng Santolan station.

Muling pinaalalahanan ng Department of Transportation ang mga motorista na tanging mga bus na may prangkisa sa EDSA bus carousel at limang pinakamataas na mga opisyal ng gobyerno ang tanging awtorisadong gumamit ng busway.