Byaheng Paris si Caloy! Gymnastics golden boy Carlos Yulo, sasabak sa Paris Olympics sa 2024

Lalarong muli sa Olympics ang gymnast na si Carlos Yulo matapos itong makuha nito ang qualification sa naganap na 2023 World Artistic Gymnastics Championships sa Antwerp, Belgium.

Bagaman nahirapan, nakopo pa rin ni gymnast Carlos Yulo ang Olympic spot para sa Paris Olympics matapos itong mag-third place sa kanyang paboritong event na floor exercise sa the 2023 World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Antwerp, Belgium.

Nakapagtala si Yulo ng 14.600 puntos sa floor exercise na na pinanalunan naman ni Artem Dolgopyat ng Israel (15.100 puntos). Second place naman si Fred Richard ng Estados Unidos na may 14.600 puntos. Si Dolgopyat at Richard ay pawang kwalipikado na sa Paris 2024, kung kaya’t naibigay kay Yulo ang qualification para sa Olympics.

Nauna nang naglaro sa 2020 Japan Olympics si Yulo, kung saan muntikan na nyang mapanalunan ang tansong medalya sa men’s vault.

Siya rin ang pangalawang atletang Pilipino na sigurado na para sa Paris Olympics, kasama si pole vaulter EJ Obiena.