Buti pa ‘tong grupong ito, hindi absent sa klase! Modernisasyon, solusyon sa mabigat na trapiko kaya dapat sundin—LTOP

Positibo ang pananaw ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa Pubic Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, na anila ay solusyon sa mabigat na trapiko.

Positibo ang pananaw ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa Pubic Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, na anila ay solusyon sa mabigat na trapiko.

“Itong (PUV) modernization, ito po ‘yung solusyon sa napakabigat na traffic,” giit ni LTOP national president Orlando Marquez Sr. sa Saturday News Forum sa Quezon City.

BASAHIN RIN: Tuloy na tuloy na! Modernisasyon ng jeepney, hindi pa pinahihinto ng Korte Suprema

Suportado rin aniya ng grupo ang modernisasyong isinusulong ng pamahalaan.

Kaugnay niyan ay hinimok niya ang ibang mga transport groups na suportahan na rin ang inisyatibong ito, lalo pa’t may mga konsultasyon namang ginawa ang administrasyong tungkol sa pagpapatupad ng programa.

“Lahat po ng mga patawag, regional at sa individual organization, nagkaroon ho ng public consultation,” ani Marquez. “Kailangan talaga ho ay sumunod po tayo sa batas ng gobyerno.”

Gayunpaman, nirerespeto pa rin aniya ng LTOP ang pananaw ng ibang mga grupo, gaya ng PISTON, na una nang sinabing patukoy nilang kokontrahin ang PUVMP.

BASAHIN RIN: Paano na lang ang commuter? Transport groups, kokontrahin si PBBM sa PUV modernization hanggang sa dulo ng walang hanggan!