Buti naman: Viral LRT1 signage, naitama na spelling

Mabilis na umaksyon ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos mag-viral ang isa nilang signage sa UN Avenue station.

Mabilis na umaksyon ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 matapos mag-viral ang isa nilang signage sa UN Avenue station.

Noong March 15 ay napansin ng netizen na si Annie Rose Laborte ang wrong spelling sa signage ng LRT para sa opisina ng National Bureau of Investigation.

Ipinost sa Facebook ang wrong spelling na ‘Investagation’ na pinag-usapan sa social media.

Agad namang tinakpan ng mga tauhan ng LRT1 ang naturang signage.

At nitong Lunes, March 18, ay makikitang tama na ang spelling ng ‘investigation’ sa signage.


Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), matapos mag-viral ang wrong spelling sa kanilang signage ay pinalitan agad nila ito kinabukasan.