Buti hindi sumabog! 170 bomba, nakuha ng mga manggagawa sa construction site sa Pasig

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga bombang nahukay sa isang construction site.

Nadiskubre ang humigit-kumulang 170 explosives sa Pasig City noong Martes, Setyembre 19, subalit iniulat lamang ito nitong Biyernes, Setyembre 22.

Nahukay sa isang construction site ng isang condominium building sa Barangay Manggahan ang mga unexploded ordnance.

Kwento ni Capt. Danilo Latoja, na namumuno sa Manggahan police sub-station 8, isang backhoe ang nakadiskubre sa mga naturang explosives.

Agad naman niya itong ipinagbigay-alam sa mga security guard ng construction site.

Ni-report naman ng mga security guard sa Manggahan police sub-station 8 ang nadiskubreng mga explosives bandang 11 ng umaga.