Buti hindi pinagnakawan ang nasunugan! Biktima ng sunog, taos-puso ang pasasalamat sa mga bumberong nagsauli ng P300K

Naabo ang isang bahay sa Davao del Norte, subalit nailabas naman ng mga bumbero ang P300,000 cash ng pamilya at agad nila itong isinauli.

Bagaman nasunugan, malaki pa rin ang pasasalamat ng isang pamilya dahil nabalik sa kanila ang halagang P300,000 matapos itong isauli ng mga rumespondeng bumbero.

Naganap ang sunog sa Barangay San Francisco sa Panabo City, Davao del Norte.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, rumesponde sa nasusunog na bahay ang mga tauhan ng Panabo City Fire Station sa Luzviminda Subdivision noong gabi ng Huwebes, Enero 4.

Naabo ang naturang bahay sa lakas ng apoy, subalit nailabas naman ng mga bumbero ang P300,000 cash ng pamilya. Agad nila itong isinauli.

Kanya naman taos-puso ang pasasalamat ng naturang pamilya.

Ipinagmamalaki naman Panabo City Fire Station hindi lang ang kagitingan ng mga bumbero nito kundi pati na rin ang katapatan nila sa serbisyo.