Buti hindi kanal ang ugali ni Kim! ‘Good-bye’ career na si Xian Lim kung ibubunyag ni Kim Chiu ang ugat ng hiwalayan nila — Cristy Fermin

Para sa batikang showbiz reporter, swerte pa si Xian Lim dahil mabait, edukado, at may respeto ang dati nitong nobyang si Kim Chiu, na piniling manahimik na lamang at hindi na isiniwalat ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ng aktor.

Mawawalan na raw ng karera sa showbiz ang aktor na si Xian Lim kung ibubunyag ni Kim Chiu ang dahilan nang paghihiwalay nila.

Ngunit ang baraha na ito ay nasa kamay ni Kim, at siya lang ang magpapasya kung isisiwalat niya ang tunay na dahilan ng kanilang breakup, ayon kay Cristy Fermin.

“Mabait itong si Kim Chiu. Respetado niya ang kanyang kapwa. Edukado siya. Kapag ito ang nagsalita, matinding pasabog ang kalalabasan,” saad ni Fermin sa kanyang YouTube channel. “Kapag nag-salita na raw si Kim Chiu, goodbye na sa kaniyang career si Xian Lim. Ano kayang ibig sabihin noon?”

Disyembre nang ianunsiyo ng dalawa ang kanilang hiwalayan sa magkahiwalay na post sa social media. Parehong walang ibinigay na dahilan sina Lim at Chiu.

Matatandaang wala ring sinabi hindi maganda si Chiu sa dati niyang nobyo na si Gerald Anderson nang maghiwalay sila noong 2010.

Kung si Fermin naman ang masusunod, tila nais niyang magsalita na si Chiu tungkol kay Lim.

“Ewan ko lang this time, dito kay Xian Lim. Kasi mukhang pabor sa kanya [Chiu] ang lahat ng tao na, ‘Mabuti naman nagtanggal ka na ng helmet sa ulo. Nauntog ka na sa katotohanan,’” aniya.