Burado ang barako: ‘Influencer’ Rendon Labador umalma sa pagkaka-delete ng kaniyang Facebook page

Ayon kay social media personality Rendon Labador, na-delete na diumano ang kanyang Facebook page matapos itong mabigyang babala noon pa ukol sa mga paglabak nito sa community standards.

Wala na ang Facebook page ng kontrobersiyal na social media personality na si Rendon Labador, ayon na rin mismo sa batikang influencer sa isang announcement nitong Huwebes, Setyembre 7, sa kanyang Instagram account.

“As of today at 12 noon, Sept. 7, 2023: Binura na ako sa Facebook ng Pilipinas,” sambit ni Labador sa isang Instagram Story.

“Pasensya na sa lahat ng taga suporta natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page,” dagdag pa niya sa kasunod nitong Story.

Nauna nang sinabi ni Labador, na unang nakilala sa isang pagligsahan nang pagandahan ng katawan, na “at risk of being unpublished” ang kanyang Facebook page dahil sa paglabag nito sa mga community standards ng nasabing social media platform. Bago pa rito ay tinanggal na rin ng TikTok ang account ni Labador.

Si Labador ay kilala sa kanyang mga kontrobersiyal na pananawn at kung anu-anong pakulo.