Buong-buo pa rin ang tiwala ng sambayanan: PBBM, VP Sara, mas tumaas pa ang approval rating—Pulse Asia

Ayon sa Pulse Asia, ang mataas na marka ng pangulo at bise president, pati na rin kay Senate President Migz Zubiri, ay senyales na buo ang tiwala ng publiko sa pamahalaan—partikular na sa liderato nito.

Tumaas ang approval rating nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte noong ikaapat na yugto ng 2023, ayon sa survey ng Pulse Asia na inilabas nitong Lunes, Enero 8.

Tumaas sa 68% ang approval rating ni Marcos nitong Disyembre 2023 kumpara sa 65% noong Setyembre. Samantala, tumaas sa 74% ang approval rating ni Duterte nitong Disyembre kumpara sa 73% noong Setyembre.

Ayon sa Pulse Asia, ang mataas na marka ng pangulo at bise president, pati na rin kay Senate President Migz Zubiri, ay senyales na buo ang tiwala ng publiko sa pamahalaan—partikular na sa liderato nito.

“Most Filipino adults express trust in the President, the Vice-President, and the Senate President; public opinion regarding the trustworthiness of the top national government officials hardly changed between September 2023 and December 2023, both at the national level and across subgroupings,” paliwanag ng Pulse Asia.