Buong bansa aabot ang grasya! Malaya Rice Program, aabutin ang bawat Pilipino – Romualdez

Ipagpapatuloy ang implementasyon ng program sa bawat sulok ng bansa, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Umpisa pa lang ang nakatakdang pagbabahagi ng bigas at ayuda sa Metro Manila sa mga nakakasang interventions na gagawin ng gobyerno para tulungan ang mga mamamayan laban sa tumataas na presyo ng bilihin at antas ng inflation, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ipapatupad ng Kamara kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Malaya Rice Project,” kung saan inatasan siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pangunahan ang implementasyon nito.

“Hindi ito one-shot deal. So this will be part of the program again, hand-in-hand with the DSWD using the AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation)…And once it is successful, and I’m confident that it will be…we’ll be able to replicate this and do further successive rounds of this,” giit ni Romualdez.

Hiniling na ni Romualdez sa mga 33 kinatawan ng Kamara sa Metro Manila na tumukoy sa 10,000 mamamayan sa kanilang kinasasakupan para maging bahagi ng programa.

Makakatanggap ng P1,000 cash at 15 kilo ng bigas ang bawat benepisyaryo.

Nilarawan ni Romualdez ang proyekto bilang magandang inisyatibo.

“Because as you know, the President has already taken out the caps or the ceilings on the prices [of rice]. So there might be a tendency for it to come up again. We hope that this will stave off the tendency for the prices of rice to come up again because of the widespread distribution of this program within the NCR,” paliwanag ni Romualdez.

“And we’ll try to do this in other areas like Metro Cebu, Davao, in the big areas, and then further find out throughout the country, even in the rice producing areas, with the intent of buying palay at the right prices so that we make sure that everyone is afforded quality and affordable rice,” dagdag pa niya.