Buntis, breastfeeding mom gusto isama ni PBBM sa 4Ps

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palawakin pa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang isama ang mga buntis at nagpapasusong kababaihan sa mga benepisiyaryo nito.

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palawakin pa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang isama ang mga buntis at nagpapasusong kababaihan sa mga benepisiyaryo nito.

Base umano ito sa mungkahi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kung saan dapat dagdagan ang mga grant ng 4Ps.

Bukod pa riyan ay mas mainam din umano kung magbibigay ng cash grants para sa First 1,000 Days (F1KD) ng mga bata.

“Okay. Yes. Let’s do that. On the first 1,000 days of a child’s life, bring the mother, the family into the system. That’s really good,” pahayag ng Presidente sa sectoral meeting ngayong Martes.

Sinabi ng DSWD na ang mga pagbabago sa 4Ps ay titiyakin na ang mga magulang ay makakakuha ng serbisyong pangkalusugan.

Sa pamamagitan nito, matutugunan na ang pangangailangang pangkalusugan ng kanilang mga anak sa kanilang unang 1,000 araw upang maiwasan ang malnutrisyon at pagka-bansot.