Bunso ni Jaclyn Jose, nakabalik na sa Pilipinas

Sa wakas ay nakarating na sa Pilipinas si Gwen Garimond Guck, ang bunsong anak ng pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.

Sa wakas ay nakarating na sa Pilipinas si Gwen Garimond Guck, ang bunsong anak ng pumanaw na aktres na si Jaclyn Jose.

Nitong Sabado ng umaga lumapag ang eroplanong sinakyan ni Gwen mula Amerika.

Sakto ang pagdating ni Gwen para sa inurment ng labi ni Jaclyn.

Ayon kay Gabby Eigenmann, hindi agad nakauwi sa Pilipinas si Gwen dahil may kinailangan itong asikasuhin sa Amerika.

Sa USA nakatira ngayon ang bunso ni Jaclyn para mag-aral.

Pumanaw si Jaclyn noong nakaraang linggo dahil sa heart attack, ayon sa isa niya pang anak na si Andi Eigenmann.