Bumabawi? Philmar pinakilig si Andi sa National Couple Day

Hindi naapektuhan ng intriga ang relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Hindi naapektuhan ng intriga ang relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Nitong Miyerkoles nga ay nag-post ng Instagram story si Philmar ng sweet photo kasama si Andi.

Ang naturang post ay bilang pagdiriwang sa National Couple Day.

Matatandaan na nag-viral ang isang video kung saan makikita si Philmar na may kausap na babae, na tingin ng mga netizen ay tila may something sa pagitan ng dalawa.

Agad namang nagpaliwanag ang babae sa video at klinaro na walang namamagitan sa kanila ni Philmar.

“Hindi totoo ang inyong iniisip at hindi totoo ang mga naglalabasang issue sa social media. Alam ko na mali ko, ako rin ang naglaglag sa aking sarili,” paliwanag ng babae.

Samantala, sinabi rin ni Andi na hindi issue para sa kanya ang naturang video.

“He can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that,” saad ni Andi.