Bulungan niyo na ang HR! Deadline sa pagbayad ng SSS contribution hanggang ngayong Disyembre 29 na lang

Sinabi ng SSS na maaari pang magbayad ang mga employer para sa employee contributions ng kanilang mga manggagawa para sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre bago matapos ang Biyernes, ang huling working day ng taong 2023.

Pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga employer na mayroon na lang sila hanggang ngayong Biyernes, Disyembre 29 para magbayad ng mga kontribusyon ng kanilang mga manggagawa.

Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na maaari pang magbayad ang mga employer para sa employee contributions ng kanilang mga manggagawa para sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre bago matapos ang Biyernes, ang huling working day ng taong 2023.

Pinalawig lang ng SSS ang deadline para sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre, ngunit hindi ito applicable sa pagbayad ng kontribusyon sa Nobyembre at Disyembre.

Sa huling araw ng kasunod na buwan ang karaniwang deadline ng pagbayad ng SSS contribution.

Para naman sa mga employer ng kasambahay, pinalawig ng SSS ang deadline sa pagbayad ng kontribusyon sa Hulyo at Setyembre hanggang ngayong Biyernes rin. Hindi na applicable ang extension para sa mga kontribusyon ng Oktubre 2023, ayon sa SSS.

Sinabi rin ng SSS na maaari pang magsumite ang mga employers ng sickness notification for home confinement hanggang ngayong Biyernes.