Bullying talamak sa mga public schools sa Pinas – study

Lumabas sa isang pag-aaral na ang nangungunan pugad ng mga kaso ng pambu-bully sa bansa ay nararanasan sa mga pampublikong paaralan.

Lumabas sa isang pag-aaral na ang nangungunan pugad ng mga kaso ng pambu-bully sa bansa ay nararanasan sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa “Studies on Bullying in the Philippines” ng De La Salle University (DLSU) at ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na tumataas ang bilang ng mga kaso ng bullying sa Pinas at talamak ito sa mga pampublikong eskwelahan.

“Bullying is not just one thing…we need to look at it as sustaining and supporting the whole school environment,” sabi ni Dr. Allan B.I. Bernardo, professor sa DLSU at isa sa mga nagsulat ng nasabing pag-aaral.

Sa kasalukuyan, umabot sa 7,742 ang naitatalang kaso ng bullying sa mga eskwelahan sa bansa mula SY 2022-2023.

Ipinakita rin ng pag-aaral na ang mga Pilipinong biktima ng bullying ay madalas na kumakaharap sa mga mental concerns tulad ng depresyon at anxiety, at nakakaranas din ng “traditional physical” bullying at ng “relational” cyberbullying.