Bully talaga! Barko ng PCG hinarass ng China sa Rozul Reef

Muling nakaranas ng pambu-bully ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa panig ng Chinese Coast Guard (CCG) nitong Huwebes.

Muling nakaranas ng pambu-bully ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa panig ng Chinese Coast Guard (CCG) nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng PCG, kasama nila ang BFAR na naglalagay ng payao o mga floating aggregate device nang dumating ang dalawang barko ng CCG.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa ng PCG at BFAR sa Rozul Reef, na may layong 128 nautical miles mula sa Palawan. Pasok pa rin ito sa exlusive economic zone ng Pilipinas.

Saad ng PCG, nagtangka ang dalawang barko ng CCG na bombahin sila ng water cannon. Ang dalawa umanong barko ng CCG na dumating sa Rozul Reef ay madalas ding mamataan sa Ayungin Shoal.

“This aggressive action stems from China’s greed and unfounded claim that these waters belong to them based on their imaginary dashed line,” pahayag ng PCG.

Noong nakaraang taon, iniulat ng Armed Forces of the Philippines na naispatan nila ang mga barko ng China na umaani ng mga coral sa Rozul Reef, na parte rin ng WPS.