Bulkang Taal nagpakawala ng usok

Nagbuga ng usok ang Bulkang Taal nitong Huwebes.

Nagbuga ng usok ang Bulkang Taal nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang isang maikling phreatic event sa main crater ng Bulkang Taal.

Ang phreatic event na ito ay nairekord ng Main Crater Observation Station, bandang alas-8:54 ng umaga.

Tinatayang tumagal ito ng mga 3 minuto at naglabas ng isang 300-metro na usok.

Mula noong Mayo 13, tatlong phreatic eruptions na ang nairehistro ng Phivolcs.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.