Bulkang Taal muling nag-alburoto

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng phreatic eruption at volcanic tremor sa Bulkang Taal ngayong weekend.

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng phreatic eruption at volcanic tremor sa Bulkang Taal ngayong weekend.

Ayon sa PHIVOLCS, 4,709 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan noong Sabado. Tumagal ang phreatic eruption ng apat na minuto, at nagdulot ng usok na umabot sa 600 metro ang taas.

Samantala, tumagal naman ng anim na minuto ang pagyanig sa Taal.

Bukod pa rito, naobserbahan ng PHIVOLCS ang pag-angat ng volcanic fluid sa main crater lake.

Sa kabila nito, patuloy na nasa Level 1 lamang ang alert status ng Taal.

Bawal pa rin ang pagpasok sa Taal Volcano Island, partikular sa main crater at sa Daang Kastila. Inabisuhan na rin ang mga sasakyang pang-himpapawid na huwag munang dumaan malapit sa bulkan.