Bulaga! China, nabigla sa mga galaw, hakbang ni PBBM sa Scarborough Shoal — eksperto

Tila nagulat rin ang China sa mga naging pasya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang ipagutos niyang tanggaling ang floating barrier sa Scarborough Shoal, ayon sa isang eksperto.

Kung meron mang mensaheng ipinadala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang ipagutos niyang tanggaling ang floating barrier sa Scarborough Shoal, pinatunayan niyang hindi basta-basta itutulak na lang ng Pilipinas ng sino man, ayon sa isang political scientist.

Ipinakita ni Pangulong Marcos ang kanyang political will para itaboy ang sinumang hahadlang sa kakayahan ng mga Pilipinong maghanapbuhay tulad ng mga mangingisda, paliwanag ni international studies Prof. Renato de Castro ng De La Salle University.

“Ano ba ‘yung pinapahiwatig natin lalo na sa ating foreign policy? Unang-una, pinapakita dito ‘yung decisiveness ng ating Presidente, na in a matter of few hours, he made a decision, despite of course the possibility that he would have an adverse reaction from the Chinese Coast Guard,” ani De Castro.

“Pangalawa dito, ‘yung importansya na binibigay ng ating gobyerno sa ating food security … madaming nawawalan ng trabaho sa Zambales hindi makapasok ang ating mga mangingisda … part and parcel ng diet natin ang isda. Pangatlo, ang exercise ng tinatawag nating ‘independent foreign policy’,” dagdag pa niya.

Kung pagbabasehan ang mga huling pahayag ng China, tila nagulat rin sila sa mga naging hakbang ng Pilipinas, ayon kay De Castro.

“Sa ngayon, medyo natataranta sila based dun sa mga pronouncement nila … nagulat sila dun sa desisyon ng ating Presidente. They never expect us to push back. So, sa ngayon, ang ginawa ng gobyerno ng China is trying to assure their public that they are still on top of the situation,” aniya.

“Tignan na lang natin kung ano ang next step na gagawin nila,” dagdag pa niya.