Bulacan EcoZone Act, batas na!

Ganap nang batas ang pagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act.

Ganap nang batas ang pagtatatag ng Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act.

Ito ay matapos mag-lapse into law ang Republic Act 11999 o ang “Bulacan Special Economic Zone and Freeport Act” noong Hunyo 13.

Ayon sa Presidential Communications Office, sa ilalim ng bagong batas, tatawagin ang Bulacan Special Economic Zone and Freeport bilang “Bulacan EcoZone,” o (BuZ) kung saan saklaw nito ang airport project at airport city project habang ang Bulacan Special Economic Zone and Freeport Authority o BEZA ang mangangasiwa sa BuZ.

Pinaoorganisa ang BEZA sa loob ng 180 araw mula nang maging epektibo ang batas. Nagiging epektibo ang isaang batas 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may general circulation.

Base sa konsultasyon sa National Economic and Development Authority (NEDA), magtatag ang BEZA ng general framework para sa land use, planning and development para sa mga lugar na sakop ng BuZ, at kinakailangan na naayon sa Philippine Development Plan ng gobyerno.