Buking sa pirma: Sen. Imee Marcos isa sa pumirma sa AKAP

Inamin ng Senadora na pumirma siya sa Bicameral Conference Report sa 2024 National Budget kung saan nakapaloob ang pondo para sa naturang ayuda na laan sa sektor ng manggagawa.

Isa si Senator Imee Marcos sa signatories sa Special Provision ng Ayuda sa mga Kapos ang Kita Program (AKAP).

Inamin ng Senadora na pumirma siya sa Bicameral Conference Report sa 2024 National Budget kung saan nakapaloob ang pondo para sa naturang ayuda na laan sa sektor ng manggagawa.

Ito ang lumabas sa gitna ng pagkwestyon ni Sen. Marcos sa pondo ng AKAP na pinagdududahan niyang ginagamit para umusad ang people’s initiative.

Palusot ng senadora, lahat naman aniya ng mga mambabatas ay pumirma sa Bicam gamit ang electronic signature na tinawag niyang maling proseso.

“Mali itong proseso. Malamang kailangan rin aralin natin itong proseso ng Bicam kung talagang pupwede yung ganyan at kung kasalanan namin at nagkulang kami kasi tiwala kami hindi naman gagamitin yung mga e-signature namin, tiwala rin ako. Ani Marcos.

Umalma naman si Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalo sa alegasyon ni Sen. Imee na gagamitin ang AKAP sa pangangalan ng pirma.

Bilang miyembro ng Bicameral Conference committee, nakalulungkot na sinisira ang magandang hangarin ng programa para sa mga manggagawang hindi sapat ang sinusuweldo sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

“So, AKAP has full of good intentions at panawagan ko na lang po na sana huwag pong bigyan ng pangit na kulay. Bagong programa po ito ng DSWD at para po ito sa mga mahihirap natin na mga sambayanang Pilipino, yun lamang po,” dagdag pa ni Rep. Bongalo.