Bukas ang Pilipinas sa mamumuhunan: MIF, tinalakay ni PBBM sa Saudi Arabia

Bagaman suspendido ang pagpapatupad ng Maharlika Investment Fund, buong puso pa rin itong iprinisinta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilang kilalang business leaders ng Saudi Arabia, na hinikayat niyang mamuhunan sa nasabing pondo. Isa ang Saudi Arabia sa mga bansang may sariling sovereign wealth fund.

Iprinisinta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga business leader ng Saudi Arabia ang Maharlika Investment Fund (MIF) ng gobyerno bilang isang magandang investment opportunity.

“At the forefront of these opportunities is the recently launched Maharlika Investment Fund, the Philippines’ first-ever sovereign investment fund designed to drive long-term economic development through increased investments in high-impact sectors,” saad ni Marcos sa isang roundtable na inayos ng ministries of trade and investments ng Saudi Arabia at Pilipinas at ginanap nitong Huwebes, Oktubre 19.

“We look forward to benefiting, not just from Saudi investments, but also from the Kingdom’s experience in managing such funds,” sabi pa ni Marcos.

Ipinaliwanag rin niya na ang MIF ay isa sa mga hakbang ng kanyang pamahalaan upang makakumbinsi ng mas marami pang investors. “The Philippines has initiated important legislative amendments to existing laws to further open the economy to foreign investors,” pagtitiyak niya.

Kaugnay nito, matatandaang sinuspinde muna ni Marcos ang implementasyon ng MIF dahil aniya gusto muna niya itong iparepaso ng mabuti.