Bukas ang Palasyo, anytime! PBBM, handa makipagpulong kay ex-PRRD kahit kailan na naisin niya—PCO

Tiniyak ni Malacañang na may oras ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating pangulong Rodrigo Duterte na gustong makipag-usap hinggil sa mga isyung kinakaharap ng Sonshine Media Network International, na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Handa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. makipagpulong kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa lalong madaling panahon upang talakayin ang anumang nais nito, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

Tiniyak ni Communications Secretary Cheloy Garafil ito matapos ihayag si Duterte na kagustuhan nitong makausap si Marcos tungkol sa mga isyu ng Sonshine Media Network International (SMNI).

“President Marcos is always available to former President Duterte,” sabi ni Garafil sa isang mensahe sa mga mamamahayag nitong Linggo, Enero 7. “The President will contact him now to ask if he wants a meeting.”

Una nang sinabi ni Duterte na ibig niyang kausapin si Marcos dahil nais niyang tulungan si Pastor Apollo Quiboloy, na siyang nagmamay-ari ng SMNI.

BASAHIN RIN: Tuluyan na tanggalin sa ere ‘yan! 2 programa ng SMNI, suspendido ng 14 araw—MTRCB

“Ang concern ko lang ngayon is to help my friend, si Pastor Quiboloy, dahil sa totoo lang, itong NTC (National Telecommunications Commission), wala naman silang nakita—they have not come up even an allegation of any wrongdoing,” saad ni Duterte sa isang press conference sa Davao.

Matatandaang sinuspindi ng NTC ang SMNI dahil sa mga paglabag sa prangkisa nito tulad ng pagpapakalat ng mga kasinungalingan at fake news.

BASAHIN RIN: Patikim sa pagtanggal ng prangkisa na ba ito? Operasyon ng SMNI, suspendido ng 30 araw—NTC